2 weeks LOOK: Matira ang matibay sa team building Gmanetwork
Matira ang matibay ang peg ng team building sa opisina ni Stacy (Maine Mendoza). Tinamaan din ng husto ng pandemya ang kumpanya ni Sir Lance (Oyo Sotto), kaya ang team building ng Iconic Media ay nauwi sa survival of the fittest. Sino kaya ang mawawalan ng trabaho sa Team Office? At itong tatay naman ni Stacy na si Barak (Vic Sotto), mapapasabak sa acting workshop ni Manay Chunchi (Direk Bibeth Orteza). Pumasa kaya ang akting niya sa mapanuring mata ni Manay Chunchi? Heto ang ilang eksena na aabangan sa Daddy's Gurl this coming October 17. ... more